Having the kids with you during weekends is priceless. Yes, priceless. Kahit magastos, okay lang, basta happy sila.
Last Saturday, I picked them up from Malabon and we had dinner at Burger King at Welcome Rotonda where they also had several hours of internet surfing (libre ang WIFI sa Burger King.)
We then went to tiangge at Divisoria at the Tutuban Center. Grabe ang tao! Super dami.
Then Sunday, we had lunch at Mang Inasal at Retiro. We then went to Greenhills, grabe ang tao din! "Akala ko ba, walang pera ang tao!" Ang hirap ng parking (calling Ogie, oo nga pala, wala na si Pareng Ogie sa Ortigas). Grabe ang hirap ng parking, isang oras, bago kami naka-park.
Yun nga lang, wala naman kaming nabili masyado. Comment ng mga bata, mas mahal daw sa Greenhills, sa Divisoria na lang daw. Marunong!
We then went back to Banawe area. Drive-thru muna sa McDonald's for some snacks and we went to Dapitan for some tiangge. Ang dami nilang nabili. Si Camille, nahihilig sa "bumble bee." Si Tintin naman, bili ng pangregaldo daw sa friends. Malas nga lang ni Vincent, medyo sinusumpong, may ubo at sinat, kaya di masyadong nag-enjoy.
Tapos, nagrequest ang mga bata, punta daw kami ng Divisoria ulit, to buy ng pang-Xmas party nila. So takbo ulit sa Tutuban. I bought Vincent a polo and pants. Sina Camille and Tintin, bili din.
We went home around 9:00 pm, tapos inuwi ko na sila sa Malabon.
PS. I won a Winner Take All last Saturday sa Santa Ana Races.
WTA 1st set - 4 - 7 - 4 - 9 - 8 - 7 - 9 (six points), dehado yung TREASURE HUNT at QUEEN, di namin nakuha yung 3 na Commodity sa Race 4 (dehadong dehado), taya namin dun OUR SACRED PRAYER (outstanding natalo.) Ang ganda pa ng dividendo, Php 3239.80. I won two (2) tickets. Yung isa, pareho kami ng taya ni Mang Arman - Php 96.00 ang puhunan. The other taya ko, Php 48.00 ang investments ko. Sayang nga lang yung mga double at forecast, tumama pa sana ako.... pero ok lang. Yun, naubos sa mga bata. Ang dami nga humihingi ng balota.
No comments:
Post a Comment